Bilang

Para sa mga taong patuloy na ginawa lamang ay magmahal ngunit patuloy na nasasaktan.  Para ito sa inyo, kayong nagpapakamartyr sa pag-ibig.

Hey guys! This is a spoken word poetry about love but I’m sorry it’s in Filipino language. I’m sure to make it up to my readers who can’t understand our language, I swear! So here it is, enjoy!


 

Isa, dalawa, tatlo

Tatlong mga salita lamang ang gusto kong marinig sa’yo

Mga salitang alam kong magpapatibok sa nangungulila kong puso

Mga salitang alam kong magpapaikot sa aking mundo

 

Dumating nga ang araw na iyon

na iyong napagtanto na iniibig mo rin ako

“Mahal din kita”

Napakasarap pakinggan

Napakasarap paulit-ulitin sa aking isipan

 

Mahal, naaalala mo pa ba?

ang mga pinagsaluhan nating ala-ala

Nakahiga tayo noon sa damuhan

Nakatanaw sa mga bituin at napaka liwanag na buwan

 

Nasa iisang kumpas ang pintig ng ating mga puso

Sumasayaw sa indayog ng pagmamahalan nating dalawa

Ang tibok ng puso ay tunog musika

 

Kitang-kita sa iyong mga labi

ang ngiting alam kong ni ninuman ay hindi mababawi

Maski ang iyong mapupungay na mga mata

ay ngumingiti sa sobrang tuwa at saya

 

Naaalala mo pa ba?

Noong tayong dalawa

ang nasa bisig ng bawat isa

Para tayong nasa nobela

na kung saan alam nilang magkakatuluyan silang dalawa

 

Pero mahal, naaalala mo pa ba?

Noong panahong, nabaling ang iyong mga mata

sa kanya

 

Tandang-tanda ko iyon

Lahat ng iyong atensyon ay sa kanya nakatuon

 

Dumating ang araw,

na nawala na ang sayaw

sa mga puso nating noon ay naliligaw

 

Nawala na ang sigla

na iyong nadarama

kapag kapiling mo ko sinta

 

Nawala ang ningning

sa iyong mga mata

kapag ako ay iyong kapiling

 

Alam kong mayroong nagbago

At oo, sobrang nasaktan ako

at mas lalong dumugo ang puso ko

noong sinabi mong

“wala na tayo”

 

Isa, dalawa, tatlo

Tatlong salita ang hiniling kong marinig

Tatlong salita rin ang nagpawala sa aking tinig

 

Sobrang sakit,

ang mga sugat ay tila walang makapagbibigay ng lunas

ang mga sugat ay tila panghabang-buhay na kupas

 

Isang araw,

aking natanaw

kayong dalawa

nagtatawanan sa may kalsada

 

Pigil na pigil ang mga luha ko

Pigil na pigil ang mga hinanakit ko sa’yo

Ayaw ko kasing umabot sa punto

na makasira ako ng relasyong nabuo niyo

 

Bagamat hindi na ako ang nasa tabi mo

At siya na ang nakayapos sa mga bisig mo

Mahal, lagi mong tatandaan na masaya ako

Kahit nakatago ako sa mga anino niyo

Pawang nasa inyong likuran at siya ang prayoridad mo sa harapan

 

Patuloy pa rin kitang mamahalin

Hanggang sa maubos ang hininga ko kakahiling

Hanggang sa maubos ang pasensya ko kakahintay

 

Kailanman ay hindi susuko sa gyera

Sa pagitan ng puso at isip ko

Na itigil na

O patuloy na ipagpatuloy pa

 

Isa, dalawa, tatlo

Heto na naman ako,

Magbibilang hanggang muling mapasa’yo

Magbibilang hanggang makakaya ko

Magbibilang kahit alam kong malabo na

 

Malabo ng maibalik ang ngiti sa iyong mga mata

Malabo ng maibalik ang iyong puso na noon ay sa akin

 

Isa, dalawa, tatlo

Patuloy na magbibilang

Maibalik lang ang dating tayo.

 

Mahal, mamahalin kita

Hanggang maubos na ang lahat ng numerong

Binabanggit ko at babanggitin ko pa.

Hanggang malagutan ng hininga,

Mamahalin pa rin kita

Isa, dalawa, tatlo…

 

-atarahxx ❤

Leave a comment